Sunday, May 27, 2007

Tula ng Pag-ibig

Ang tulang ito ay para sa mga taong nawawalan ng pag-asang magmahal muli. Nailathala ang tulang ito sa opisyal na publikasyon ng MSU-Iligan Institute of Technology, Silahis noon buwan ng Disyembre, taong 2003.


Dahil Sa'yo


Ayaw kong pagdudahan,
Ang bulong nitong aking puso.
Na sa bawat pintig ng aking damdamin,
Nadarama ko ang tunay na kaligayahan.

Ayaw kong isiping ako'y isang manhid,
Na noon pa ma'y bigo ako sa Pag-ibig.
Sa bawat kilos ko'y ipinapahiwatig,
Ang pagsibol ng tamis ng nakabaon kong Pag-ibig.

Takot ako, dahil sa ayaw kong masaktan muli.
Ayaw kong paglaruan na parang isang timang.
Na ngayo'y mahal ka at bukas mahal nya'y iba na.
Iiwan ka lamang pagkatapos kang pagsawaan.

Masakit ang maging biktima ng pag-ibig.
Pero ang puso ko ngayo'y sumisigaw,
"HUWAG mong pigilan ang sinasabi ng iyong damdamin.
Iyan ay Pag-ibig na syang tunay mong kaligayahan".

Puso ko'y hindi sinungaling na ibigin ka.
Masasaktan man ako sa piling mo,
Titiisin ko ang mga pagsubok na syang panimula lamang,
Na susundan ng mabungang sarap ng kaligayahan.

29 comments:

  1. kung minsan mahirap unawain ang ating puso

    ReplyDelete
  2. pag ibig may ganya'y dapat unawain
    puso'y sugatan may nahihilom parin
    pag asa sa puso'y dapat panatilihin
    pag ibig ay dapat mong damhin

    ReplyDelete
  3. minsan kung ikay iibig iky masasaktan pero minsan hindi nman...msaya ring umibig kung dlawa kyo ay mhal ang isat isa...

    ReplyDelete
  4. mag mahal ng walang hinihintay na kapalit, umibig na animoy ito ang iyong una't huli, ibigay ang kayang ibigay ng hindi isinasantabi ang sarili, lasapin ang sarap pati na rin ang sakit, wag mawalan ng pag asa, kung ngayun ikaw ay sawi, pwede naman sumubok ulit hanggang matagpuan ang tunay at panghabang buhay na pag ibig.

    ReplyDelete
  5. dapat wag tayong matakot magmahal.......

    ReplyDelete
  6. ang magmahal ay may kapalit na pagsakripisyo at dapat nakahanda sa kung anuman ang maging kaganapan. wag nating tanggalin sa puso ang pagmamahal...

    ReplyDelete
  7. wag tayong matakot magmahal dahil parte ito ng ating buhay....ang masaktan ay isa lang pagsubok na humahamon sa bawat isa sa atin...hayaan natin na tayo ay magmahal at mahalin.........

    ReplyDelete
  8. naks...hindi ka pwedeng magmahal kung pangamba ang papairalin mo..

    ReplyDelete
  9. oo tama kau...masarap magmahal yun nga lang masakit pag nasaktan.. pero part naman ng buhay natin ang masaktan, lahat tao nasasaktan. Pero alam mo ba na kahit nasasaktan ka ay may nasasaktan ka ring ibang tao????

    ReplyDelete
  10. pag nagmamahal ka dapat mrunong kang pumili ng taong mamahalin mo pra........sa bandang huli hindi tayo magsisi!????at masaktan kasi minsan ang mga lalaking wlang kwenta... wla silang pakialam sa nararamdaman ng mga wlang puso....
    joke... hndi naman lahat manlolokio

    ReplyDelete
  11. pag ibig ang maguudyok sa atin para mabuhay.......

    ReplyDelete
  12. Masyadong malungkot. Nakakapighati.

    ReplyDelete
  13. sa pag ibig man tayo'y napaka sabik
    ngunit pag puso'y nasaktan tila walang kasing sakit
    pag ibig natin sakanila'y tunay at walang kasing tamis
    ngunit kung tayo'y saktan ay walang kasing bangis

    ReplyDelete
  14. .. very nice poem!!!

    ReplyDelete
  15. pag-ibig moy singtamis ng kanyang halik at wariy moy sing pait pg kaw ay sawi...

    ReplyDelete
  16. if you love someone love him as what he is,as what he had and as what he could ever be... because real love felt from within.not as what your eyes can see.....

    ReplyDelete
  17. ganun talaga... hndi tanga ang sobra kng magmahal talagang gnawa lng silang tanga ng mga taong mahal nila....

    ReplyDelete
  18. ganun talaga... ang mga tao, kung sino ang matalino siya pa ang mangmang sa pag-ibig.........

    ReplyDelete
  19. Takot ako, dahil sa ayaw kong masaktan muli.
    Ayaw kong paglaruan na parang isang timang.
    Na ngayo'y mahal ka at bukas mahal nya'y iba na.
    Iiwan ka lamang pagkatapos kang pagsawaan.


    gusto ko yung part na'to Sir...

    ReplyDelete
  20. Guten Tag! James Mathis . payday loans

    ReplyDelete
  21. masarap magmahal kahit my tyms na nasasaktan na tyo.. ok pa din sa atin..nagmamahal tyo eh natural lng yun.

    ReplyDelete
  22. I read a few topics. I respect your work and added blog to favorites.

    ReplyDelete
  23. United States Restaurant Guide - a guide to every restaurant, http://restaurants-us.com/ca/Escondido/Pizza%20Hut/92025/

    ReplyDelete
  24. I'm Glad i found this blog.Added obranijuan.blogspot.com to my bookmark!

    ReplyDelete
  25. mhrap umasa kng wla k nman plang aasahan....

    ReplyDelete
  26. nang iniwan niya ako,
    akala ko'y katapusan na nang mundo,
    hindi alam ang gagawin,
    hindi alam kung saan tutungo,

    pero di nag laon dumating kang bigla,
    parang hanging sumampal saking mukha,
    kahit alam kung may iba kang mahal,
    sana sinta ako'y iyong pagbigyan,

    hindi ko sinasabing mahalin mo ako,
    dahil gusto ko lang maipadama sayo,
    kung gano ka sarap ang mahalin nang tutuo,
    kahit masaktan uli't basta para sayo,

    araw-araw kitang nakikita,
    hindi man sa mga mata pero sa puso ko sinta,
    ayaw ka nyang bitawan,
    dahil sa nilalaman kana sa pusong nag mamahal,

    ReplyDelete
  27. gusto ko tula na to nakakarl8 sya...

    ReplyDelete
  28. ang sakit sakit talaga ang masaktan,, lalo na kung mahal na mahal mo talaga.. halos sa kanya na umikot ang mundo mo.. pero sa huli ikaw pa din ang mahal niya kahit kanino pa siya ngayon,, dahil ang tunay na nagmamahal ay naghihintay.

    ReplyDelete