Monday, October 6, 2008

Sulat para kay Jeannie

October 02, 200802:39 – 03:47 A.M.

Para Kay Jeannie

HINDI PA KITA GAANONG KILALA NGUNIT UMIIKOT NA ANG BUHAY KO SAYO. Alam kong pagtatawanan mo lang ang mga linyang binibitiwan ng aking mga labi subalit ito’y nangyayari sa ngayon. Ayaw ko ngang gustong paniwalaan ang mga pangyayari ngunit wala naman akong angking kapangyarihan upang pigilin ang tadhana. Madami mang hadlang ang namamagitan sa ating dalawa ngunit pinag-aralan at sinikap naman nating nilabanan ang mga ito at tayo ay nagtagumpay sa kasalukuyan. Madami pang mga araw ang dadaan at madami pa ang posibleng mangyayari bukas, sa makalawa, sa isang linggo, sa isang buwan o sa mga taon na lilipas. Ayaw kong magsalita ng patapos at hayaan na lang muna natin ang bawat pintig-sa-desisyon ng ating mga puso.Hayaan mo akong makilala ng buong-buo ang iyong pagkatao. Hindi naman siguro hadlang ang panahon kung gaano man katagal ang pwedeng magdaan bago kita makita at makasama ulit mula ngayong paglisan mo sa kalawakan ng Maynila. Kahit sa pangalawang araw na ito ng ating pagkikita, buo kitang tinatanggap na espesyal kahit na may iba kang minamahal maliban sa akin. Saksi ang kahabaan ng EDSA at ang tore ng estasyong GMA kung paano kitang sinugod sa mga oras na ito bago mo lisanin ang mapangahas na Maynila. Isa man ako sa mga lalaking nakilala mo dito ngunit hindi naman akong isang Manilenyo na pwede kang gamitin at kalimutan na lamang. Katulad mo rin akong lumaki, nagkaisip, at natutu sa buhay mula sa probinsiyang malayo sa tentasyon.Gusto kong linawin sayo Jeannie na hinding-hindi kita makakalimutan mula ngayon hanggang sa aking pagtanda. Kahit ilang kilometrong layo ka man mula rito hanggang Santiago, Isabela, ikaw ay si Jeannie pa rin na aking napansin sa isang sayt at hindi inakalang makita at makilala ng personal sa Trinoma, at minahal kahit na madalas lang na nagrereply sa aking mga SMS at may minamahal din na si Gerald. Hindi akong nag-alinlangan na mahalin ka kahit na may tinitibok na ang iyong puso. Ayaw kong mang-agaw ng may minamahal ngunit kasalanan bang sundin ko rin ang bawat pintig ng aking damdamin na mahalin ka?Nandito akong naghinhintay at umaasa ng iyong pagmamahal kahit dulo-sa-dulo man ng Pilipinas ang ating pagitan sa isat-isa. Alam kong mahirap ang magdesiyon ngunit kailangan talaga nating mamili. Sana ay nauuwaan mo ang aking mga sinasabi.Huwag na huwag mong kalimutan na nandito AKONG NAGMAMAHAL sayo ng BUONG PUSO at TANGGAP ko ang BUO MONG PAGKATAO.MAHAL NA MAHAL KITA Jeannie.Sana ay maging matiwasay ang iyong paglalakbay at panalanginan nawa ka ng Diyos.Magandang araw sayo Mahal ko.


Nahihintay sa iyong pagbabalik,

Cyrus

5 comments:

  1. may pagmamahal ang sinulat mo!!! =)malay mo balang araw magkita ulit kayo diba?

    ReplyDelete
  2. nice piece. is this supposed to be a fiction? because it doesn't shows. it as if a real love letter for an unimaginary person.

    ReplyDelete
  3. nice piece. is this supposed to be a fiction? because it doesn't shows. it as if a real love letter for an unimaginary person.

    ReplyDelete
  4. nice piece. is this supposed to be a fiction? because it doesn't shows. it as if a real love letter for an unimaginary person.

    ReplyDelete