MAHIRAP iwasan ang pag-aaway ng isang magkasintahan. Ang pag-aaway ay bahagi ng isang relasyon. Ito ay nagpapatibay at nagbibigay ng lakas sa relasyon.
Kaya naiintindihan ko kung bakit palagi kaming nag-aaway. Naiintindihan ko kung bakit siya palaging nagseselos sa mga bagay na hindi dapat sana pagseselosan. Naiintindihan ko kung bakit siya nagagalit kapag hindi ako nakakauwi sa takdang oras. Naiintindihan ko kung bakit ako nagsisikap at nagsasakripisyo sa aming pagsasama.
Dahil sa kami ay NAGMAMAHALAN.
Ngunit sa bawat hindi namin pagkikibuan, dumadating din ang mga oras ng pagpapakumbaba ng bawat isa. Ang paghingi ng kapatawaran at pagpapatawad. Naiintindihan namin ang mga dinadamdam ng aming mga puso.
Ang hinahangad ko lang sana ay pag-iintindihan ng bawat isa. Ang pagpakumbaba ng bawat isa. At ang pagiging tapat ng bawat isa.
Kahit katambal palagi ang pag-aalala at pagdududa sa isang relasyon dapat talaga nating labanan ang ganitong mga kalseng pagsubok sa buhay. Walang magandang relasyon ang hindi dumadaan sa mga pagsubok. Ang marunong mag-unawa, ang marunong mag-intindi, at marunong magpakumbaba ay iyong mga taong tunay na nagmamahal. Ang mga taong tunay na nagmamahal sa bawat isa.
Ito ay ang Pag-ibig para sa akin.
Ang Pag-ibig na may halong lungkot at saya.
*Ang larawan sa artikulong ito ay gawa ni Rene Magritte na pinangalanang "The Lovers".
To love someone is to understand each other, to laugh together, to smile with your heart and to trust one another. One important thing is to let each other go if you can't do this.
ReplyDeleteyour entry here really correct..love is patience and kind...one should give in and it takes two to tango :-)
ReplyDeleteaa pano ulit maglink?
ReplyDeletewala akong nakitang mali sa isinulat mo tol, kaso wala rin akong maisip na dahilan kung bakit nung kami ay nag away, iniwan nya ako bigla at hindi na nagpakita... errr
ReplyDeletepero swabeh mga post mo tol, kapupulutan ko rin ng aral ang mga CSc blogs mo, mabuhay! :d
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Webcam, I hope you enjoy. The address is http://webcam-brasil.blogspot.com. A hug.
ReplyDelete