Wednesday, May 16, 2007

Ang Panimula

"Ako ay isang simpleng tao lamang na may simpleng pangarap, naghahangad ng simpleng buhay, at ..."


MATAGAL ko nang ginawa ang blog na ito. Mga ilang araw na rin ang nakalipas. Oo, aaminin ko, nahihirapan akong magsimula. Hinihintay ko lang siguro ang tamang panahon at takdang oras sa paghabi ng una kong artikulo. At heto na ako, inisa-isa ko na ang pagtipa ng bawat titik, bawat salita, bawat pangungusap, bawat talata at ng buong mensahi ng aking damdamin at isipan.

Tawagin nyo na akong Blink (ipinangalan ni Arnold Alguno na isa sa mga nag-adopt sa akin sa Rizalda apartment na nagtapos ng doctoral degree sa Japan at doon na rin nagtuturo. Ang Blink ay hango rin sa tanyag na cartoon series na ipinalabas sa ABS-CBN) . O di kaya'y Rizal(tinawag nila akong Rizal dahil sa kahawig ko daw ang hair style ni Dr. Jose Rizal at syempre hindi lang sa hawig, at dahil din sa katalinuhan nito). Ornis (a greek word meaning bird or chicken which signifies liberty for me; nick ko mIRC; at tawag ng mga chatters noong ako pa'y nagkainteres sa chat bilang isang channel operator at gumawa na rin ng aking sariling channel na #metro-iligan sa Undernet server ng mIRC). `Indian Boy` (tawag naman ng classmate ko na Muslim sa Rizal subject noong summer ng 2002). Cyrus (ito ang tatak kong pangalan na ipinangalan sa akin after King Cyrus ng King of Kings sa Bibliya ng Christian). O kung anu-ano pa ang gusto nyong itawag at idagdag na rin sa koleksyon ng aking pangalan. Sanay na rin ako sa mga taong nagagawan ako ng ibat-ibang katauhan na palayaw. Ewan ko nga naman kung bakit ganoon ang pagdadamdam nila para sa akin bilang isang mabait, palatawa, at sincere na kaibigan.

Isa akong ordinaryong probinsyano galing sa Surigao del Sur. Pinahalagahan ang edukasyon at nag-aral sa malayong lugar. Isang DOST (Department of Science and Technology) skolar ng bayan na pabaya at walang determinasyon. Ngunit nagsikap at nagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Computer Science sa isang marangal na university sa Mindanao. Ni isa man lang sa mga laudes (Summa, Magna o Cum) ay hindi ko natamo ngunit tumangap naman ako ng dalawang major awards sa aming College (School of Computer Studies) na parang ayaw kong tanggapin. Pause and Smile. May edad na dalawampu't lima. May trabaho at kasalukuyang lubos na umiibig.

Maraming beses na ako umibig. At maraming bisis na rin akong nasaktan. At paulit-ulit ko na ring sinabi ang mga katagang, "Ayaw ko nang umibig.", "Ayaw ko nang masaktan.", "Ayaw ko nang umasa sa wala.", "Ayaw ko nang magpaka-martyr.", at "Ayaw ko nang ulit-ulitin pa ang mga pangyayari."

Ngunit heto pa rin ngayon. Binabalot ng pagmamahal.

Sabi nga ng mga close friends ko, "Is that a Love or Lust?!"

"Sino na naman ba 'yan?"

"Pang-ilan na ba yan Cy?"

Naiinis ako sa kanila. Gusto ko silang sapakin, suntukin at tadyakan. Gusto ko ring sumigaw at ipamukha sa kanila na "Ako ay tao lamang at umiibig na hindi ko sinasadya. Kasalanan ko ba ang umibig at iiwan na lamang palagi pagkatapos gamitin at pagsawaan?"

Masakit sa panig ko kasi dahil ibinibigay ko ang lahat ng parti ng aking puso. Ginagawa ko naman ang lahat upang suklian ako ng tunay at wagas na pag-ibig. At handang magsakripisyo habang buhay na walang pagsisisi.

Bakit ba hindi kuntinto ang tao sa isang lasa? Kailangan bang madami kami para matikman nya kung gaano kasarap at katamis ang iba kaysa sa iyo? At pipiliin nya ang mas masarap pagkatapos nyang tikman? O kayay, tuturuan nya na lang na mahalin ang kasalukuyang patay na patay naman na umiibig sa kanya?

Dahil ba na hindi ako gwapo? Nakakadiri at nakakasawa na ba akong tingnan kaysa sa iba? Wala na ba akong karapatan na mamahalin ng lubosan?

Hinahanap ko lang ang taong lubos na magmamahal sa akin. Tapat. Tunay. Handang ipaglaban at aalagaan ako. At higit sa lahat ang hindi plastic. Masakit kasi ang umasa sa wala. At masakit din ang iiwan na dala nya ang buo mong damdamin na tunay mong inilaan para sa kanya habang buhay.

Baliw at kulang ako sa Pag-ibig.

Kasalukuyan, ako ay nagmamahal ng buo. Masaya. Ginagawa at Ibinibigay ang lahat ng sa akin. Nagsisikap at magsisiskap; at nagsasakripisyo at magsasakripisyo para sa kabutihan, kaligayahan, kasaganaan ng aming kinabukasan.

At sana, ganun din sya.


"Mahal na mahal kita."

6 comments:

  1. whew!!!you truly deserve to be happy and i hope you will for the rest of your life.keep on lovin'!

    ReplyDelete
  2. haayyyy... nagdugo ako ilong sa pagbasa kay pirti ka tagalog... goodluck sa imo luvlyf karon..

    ReplyDelete
  3. Ang tunay at wagas na pag-ibig kapag inilabas ay babalik sa iyo. Maaring hindi galing sa taong iniibig mo pero siguradong may magmamahal sa iyo. Pero pag ito'y hindi mo pinahalagahan, siguradong ikaw ay masasaktan. Kaya kung minsan, iniisip natin na walang umiibig sa atin. Ako'y umaasa na ikaw ay magiging maligaya sa pag-ibig mo ngayon.

    ReplyDelete
  4. Madrama ka talaga, Dad. :( Inisip ko tuloy na hindi ka naniniwalang mahal kita.. wag ka magalit sa akin, dahil d kita iiwan! ako'y iyong iyong lang. pangako.

    ReplyDelete
  5. nice introduction :D

    ReplyDelete
  6. Sir, sa totoo lang, natutuwa ako sa iyong malalim na pananagalog.hehe..

    magandang panimula sa iyong blogsite. ^_^

    ReplyDelete