Ang tulang ito ay para sa mga taong nawawalan ng pag-asang magmahal muli. Nailathala ang tulang ito sa opisyal na publikasyon ng MSU-Iligan Institute of Technology, Silahis noon buwan ng Disyembre, taong 2003.
Ayaw kong pagdudahan,
Ang bulong nitong aking puso.
Na sa bawat pintig ng aking damdamin,
Nadarama ko ang tunay na kaligayahan.
Ayaw kong isiping ako'y isang manhid,
Na noon pa ma'y bigo ako sa Pag-ibig.
Sa bawat kilos ko'y ipinapahiwatig,
Ang pagsibol ng tamis ng nakabaon kong Pag-ibig.
Takot ako, dahil sa ayaw kong masaktan muli.
Ayaw kong paglaruan na parang isang timang.
Na ngayo'y mahal ka at bukas mahal nya'y iba na.
Iiwan ka lamang pagkatapos kang pagsawaan.
Ayaw kong paglaruan na parang isang timang.
Na ngayo'y mahal ka at bukas mahal nya'y iba na.
Iiwan ka lamang pagkatapos kang pagsawaan.
Masakit ang maging biktima ng pag-ibig.
Pero ang puso ko ngayo'y sumisigaw,
"HUWAG mong pigilan ang sinasabi ng iyong damdamin.
Iyan ay Pag-ibig na syang tunay mong kaligayahan".
Pero ang puso ko ngayo'y sumisigaw,
"HUWAG mong pigilan ang sinasabi ng iyong damdamin.
Iyan ay Pag-ibig na syang tunay mong kaligayahan".
Puso ko'y hindi sinungaling na ibigin ka.
Masasaktan man ako sa piling mo,
Titiisin ko ang mga pagsubok na syang panimula lamang,
Na susundan ng mabungang sarap ng kaligayahan.

14 comments:
kung minsan mahirap unawain ang ating puso
pag ibig may ganya'y dapat unawain
puso'y sugatan may nahihilom parin
pag asa sa puso'y dapat panatilihin
pag ibig ay dapat mong damhin
minsan kung ikay iibig iky masasaktan pero minsan hindi nman...msaya ring umibig kung dlawa kyo ay mhal ang isat isa...
mag mahal ng walang hinihintay na kapalit, umibig na animoy ito ang iyong una't huli, ibigay ang kayang ibigay ng hindi isinasantabi ang sarili, lasapin ang sarap pati na rin ang sakit, wag mawalan ng pag asa, kung ngayun ikaw ay sawi, pwede naman sumubok ulit hanggang matagpuan ang tunay at panghabang buhay na pag ibig.
dapat wag tayong matakot magmahal.......
ang magmahal ay may kapalit na pagsakripisyo at dapat nakahanda sa kung anuman ang maging kaganapan. wag nating tanggalin sa puso ang pagmamahal...
wag tayong matakot magmahal dahil parte ito ng ating buhay....ang masaktan ay isa lang pagsubok na humahamon sa bawat isa sa atin...hayaan natin na tayo ay magmahal at mahalin.........
naks...hindi ka pwedeng magmahal kung pangamba ang papairalin mo..
oo tama kau...masarap magmahal yun nga lang masakit pag nasaktan.. pero part naman ng buhay natin ang masaktan, lahat tao nasasaktan. Pero alam mo ba na kahit nasasaktan ka ay may nasasaktan ka ring ibang tao????
pag nagmamahal ka dapat mrunong kang pumili ng taong mamahalin mo pra........sa bandang huli hindi tayo magsisi!????at masaktan kasi minsan ang mga lalaking wlang kwenta... wla silang pakialam sa nararamdaman ng mga wlang puso....
joke... hndi naman lahat manlolokio
pag ibig ang maguudyok sa atin para mabuhay.......
Masyadong malungkot. Nakakapighati.
sa pag ibig man tayo'y napaka sabik
ngunit pag puso'y nasaktan tila walang kasing sakit
pag ibig natin sakanila'y tunay at walang kasing tamis
ngunit kung tayo'y saktan ay walang kasing bangis
.. very nice poem!!!
Post a Comment