Sunday, August 24, 2008

Pasahero


Pasahero*

Bago nagtatapos ang araw,
Inaabangan ko ang bawat jeep
Na dumadaan sa kahabaan ng Taft.

Isa ako sa mga pasaherong mula
Konstraksyon, eskwela, at opisina.
Binabantayan ang bawat tatak ng mga plaka.

Nakikipagsabayan sa pagpanik
Sa iisang hakbang na ang-ang.
Pinag-aagawan ang espasyong mapag-upuan.

Iniisa-isang binibilang
Ang bawat peso sa kaliwang palad.
Iniabot sa katabi kasabay ng “Bayad po!”

Kaliwa’t kanan pinagmamasdan.
Umaasang makakita ng magugustuhan.
Mata ay kikisap-kisap lamang.

Mga braso’y inihagid-hagid
Sa katabing kanyang namataan.
Kunywaring pasulyap lang sa daan.

Tatlumpong minutong tinitiis
Habang pagmamasid ay sinasamantala.
Saglit lang at nasa paroroonan na.

*Dennis Gonzales, "Pasahero", Oil on Canvas, 90 x 106 cms., 2002

5 comments:

  1. solid yan ah, parang ako rin, lagi nagiintay ng massakyan sa taft, sa may nirvana pag umaga hahah!

    anggaling naman ng gumuhit nyan, may iba pa ba szang obra?

    ReplyDelete
  2. siguro, meron siyang ibang obra. sa buendia yang nirvana. diyan ka pala dumadaan. malapit yan sa vito cruz di ba? dyan kasi ako dati, ngayon sa tayuman na.

    ReplyDelete
  3. nag usap ang mga taong gala ;))

    i-aadd na sana kita sa links ko kaso naalala ko na nasa opisina pala ako.. errr! at ang ibang feature ng blog ay disabled... pag-uwe iaad taka.

    ok ok d ka si anino :) c memel kasi hehe! si anino ay isang magaling na nobelista. http://madilimnakasaysayan.blogspot.com

    PADAYON!

    ReplyDelete
  4. hi cy! la lang...perti ka tagalog imong blogs oi..hehe...lalom au, d matungkad!

    ReplyDelete
  5. ayos...

    Kaliwa’t kanan pinagmamasdan.
    Umaasang makakita ng magugustuhan.
    Mata ay kikisap-kisap lamang.


    ^_^

    ReplyDelete