Tuesday, November 24, 2009

Sa Tuwing Huwebes

Huwebes!
Tatlumpong minutong lumalagapak
Sa Pagpatak ng ala-sais ng gabi.
Sabay-sabay ang pagsasabon, pagshashampoo at pagfafacial.
Ang pagbuhos ng tubig ay sadyang kinakasya sa katawan.
Nagmamadaling lisanin ang masikip na banyo.

Ala-sais na!
Sadyang hinahabol ang oras
At nagbabakasaling maunahan pa ang professor.
Damit at pantalon ay abot-abot sa mga hanger.
Suklay, pabango at ayosin ang sarili sa salamin.
Ikabit ang bag, patayin ang electric fan at ang TV.
Isara ang pinto't ikandado. Humaharorot sa paglalakad.

Ala-sais y desi-sais ang orasan sa pasilyo.
Tahimik itong ika-lawang palapag ng Goks.
Nakasarado ang magkabilaang pinto sa pasilyo.
Bawat silid ay seryosong may kanya-kayang klase.
Room 204.
Pumasok; Mga letra'y naka-project sa pader.

3 comments:

  1. hehe. aww. parang ibang Cyrus 'to,ah. sana ganyan ka din magsalita sa personal. haha

    ReplyDelete
  2. helo. haha. nacommentka sa isang post ko. hhaha. salamat sa padalaw:D ganda ng blogs mo. TC :D .2 thumbs up :D

    entengpaolo.blogspot.com

    ReplyDelete