Tuesday, August 26, 2008
Buhay Berde
Ilang araw na lang din ang lilipas
Magdadal’wang buwan na rin ako rito sa Maynila.
Oo! Masaya, malungkot at mas maraming masaya.
Sanay din kasi akong nalalayo sa mga mahal sa buhay.
Unang araw ko pa lang sa Berde,
Beri eksayted na talaga ako sa mga mangyayari.
Gusto ko kasi rito, madami ang mga tanawin.
Ibat-ibang mga tanawin: Puti, itim, at maraming kayumanggi!
Pansin ko nga sa mga binata, matitipuno ang mga katawan.
Mahugis na braso at napaka-higpit na mga shirt.
Naisip ko tuloy, “Siguro ganito lang talaga rito, papormahan.
Ayaw ko ring gumaya-gaya. Iba rin ako no!”
Ang sarap nga ng feeling ang mga unang araw ko.
Wala akong ginawa kundi gumala-gala.
Kain, pasyal, pasok, tulog at saya.
Muntik ko na nga tuloy makalimutan. Nag-aaral pala ako.
Wala ngang kasing-simple ang mag-aral dito.
Hindi naman sa ganon na mababa ang standard.
Kung sa standard, astig nga!
Pinapa-easy ang pagbibibgay ng mga leksyon.
Sunday, August 24, 2008
Pasahero
Pasahero*
Bago nagtatapos ang araw,
Inaabangan ko ang bawat jeep
Na dumadaan sa kahabaan ng Taft.
Isa ako sa mga pasaherong mula
Konstraksyon, eskwela, at opisina.
Binabantayan ang bawat tatak ng mga plaka.
Nakikipagsabayan sa pagpanik
Sa iisang hakbang na ang-ang.
Pinag-aagawan ang espasyong mapag-upuan.
Iniisa-isang binibilang
Ang bawat peso sa kaliwang palad.
Iniabot sa katabi kasabay ng “Bayad po!”
Kaliwa’t kanan pinagmamasdan.
Umaasang makakita ng magugustuhan.
Mata ay kikisap-kisap lamang.
Mga braso’y inihagid-hagid
Sa katabing kanyang namataan.
Kunywaring pasulyap lang sa daan.
Tatlumpong minutong tinitiis
Habang pagmamasid ay sinasamantala.
Saglit lang at nasa paroroonan na.
*Dennis Gonzales, "Pasahero", Oil on Canvas, 90 x 106 cms., 2002
Bago nagtatapos ang araw,
Inaabangan ko ang bawat jeep
Na dumadaan sa kahabaan ng Taft.
Isa ako sa mga pasaherong mula
Konstraksyon, eskwela, at opisina.
Binabantayan ang bawat tatak ng mga plaka.
Nakikipagsabayan sa pagpanik
Sa iisang hakbang na ang-ang.
Pinag-aagawan ang espasyong mapag-upuan.
Iniisa-isang binibilang
Ang bawat peso sa kaliwang palad.
Iniabot sa katabi kasabay ng “Bayad po!”
Kaliwa’t kanan pinagmamasdan.
Umaasang makakita ng magugustuhan.
Mata ay kikisap-kisap lamang.
Mga braso’y inihagid-hagid
Sa katabing kanyang namataan.
Kunywaring pasulyap lang sa daan.
Tatlumpong minutong tinitiis
Habang pagmamasid ay sinasamantala.
Saglit lang at nasa paroroonan na.
*Dennis Gonzales, "Pasahero", Oil on Canvas, 90 x 106 cms., 2002
Subscribe to:
Posts (Atom)