Friday, June 4, 2010

Tikman Mo Ang Aking "Chicken Spica"

Isa ako sa mga taong mahilig magluto at mahilig mag-imbento ng kung anu-anong putahing ulam. Bata pa lang ako, marunong na akong magluto ng walang nagtuturo sa akin. Siguro nasa puso ko na rin ang kahiligan sa pagluluto. Wala akong alam lutuin kundi yong mga putahing walang mga pangalan. Iyon ay ang mga putahing nagagawa ko lang gamit ang kunting kaalaman sa pagluluto katulad ng pag-gisa, pag-prito, pag-paksiw, pag-adobo, at iba pang simpleng lutong bahay. Nakasanayan kong lutuin ay ang mga simpleng luto na nakukuha lang ang mga sangkap sa ating munting hardin na kadalasang nasa bakuran lang natin. Ito yong mga gulay na kang-kong, ampalaya, pechay, okra, alugbati, at iba-iba pang maaaring maitanim sa ating mga bakuran.

Ito ang una kong pagkakataong magsulat ng isang recipe at gusto kong ibahagi sa inyo ang imbento kong putahi na tinatawag kong "Chicken Spica". Ang putahing ito ay hango sa mga ibat-ibang estilo ng pagluto ng maanghang na manok or Spicy Chicken. Mga Indian ang kadalasang mahilig magluto ng patuhing ito. Dahil sa mahirap maghanap ng mga pangunahing sangkap, gumawa ako ng sarili kong estilo na pinoy na pinoy. Ito ang "Chicken Spica" with kang-kong. Hindi spicy chicken ang ibig sabihin nito kundi hango lang ito sa codename ng paborito kong smartphone na Samsung Spica (Samsung I5700). Katunog niya lang ng spicy ang spica kaya ipinangalan ko lang dito. Sa kabuuan, walang kaugnayan ang kanyang pangalan sa kanyang estilo ng putahi.

Kasama ng mga larawan at proseso sa baba ang aking putahi. Pagpasensayahan niyo na kung hindi masyadong detalyado ang aking pagkasulat ng proseso. Sana magustuhan niyo.

---

Chicken Spica with Kang-kong
(by Cyrus G. Gabilla)

Mga Pangunahing Sangkap
- 1/2 Kilo Manok (hiwain ng pa-kwadrado)
- 5 Malaking Sili (hiwain ng pa-haba)
- 1 Sibuyas (hiwain ng pa-haba)
- 1 Buong Bawang
- 1/2 Mantika
- Soy sauce
- Oyster sauce
- Kalamansi
- Black Pepper
- Isang Itlog
- Kang-kong
- Asin
- Ginisa Mix
- Corn Starch

Proseso
1. Una, halu-haluin ang manok kasama ang itlog, soy sauce, kalamansi, black pepper, corn starch, at ginisa mix sa isang lagayan.
2. Iprito ang manok at itabi sa isang lagayan.
3. Igisa sa kawali ang bawang, sibuyas at malaking sili.
4. Ilagay ang pritong manok at lagyan ng kalahating tasang tubig.
5. Budburan ng ginisa mix at oyster sauce at hayaang kumulo ito.
6. Ilagay ang kang-kong at hintayin maluto.
7. Ihain ang putahi sa hapag-kainan na may pinigang kalamansi.

Mga Larawan

a) Mga panguhing sangkap
















































b) Minarinade na manok
















c.) Pritong manok
















d.) Ginisang bawang, sili at sibuyas

















e.) Ginisang may manok, oyster sauce, ginisa mix at tubig














f.) May dinagdagan ng kang-kong














g.) Ang maanghang na Chicken Spica

Saturday, May 1, 2010

Reklamo sa 7-eleven

Dear 7-eleven,

Madalas po akong pumupunta ng 7 eleven lalo na sa gabi.
Noong Huwebes lang, April 29, 2010, mga bandang alas 7:30 ng gabi bumili ako sa nasabing store ng pineapple juice, Php 22.00, voted for G1bo na dala-dala ko ang payong kasi umuulan. Iniwan ko ang payong sa basket-tray kasi basa ito.

Umupo muna ako at nagpapahinga habang iniinom ko ang juice. Agad-agad na rin ako umalis pagkalipas ng ilang mga minuto. Sa kasamaang palad, naiwan ko ang payong na di ko napansin kasi tumahan na ang ulan.

Pagdating ng bahay, doon ko na lang naaalala ngunit hindi na ako nakabalik dahil biglang lumakas ang ulan at saka medyo malayo-layo pa ang lalakarin ko.

Pagkalipas ng dalawang araw, nagkataon akong bumili ulit ng pineapple juice. Si "Melai" ang naka-assign na kahira/tindera. Pasimple kong tinanong ang babae kasi nga nahihiya ako at may mga customer pang nakapila kung tinatago ba nila ang mga naiiwang mga gamit (o payong). Sabi naman ng tindera, "Oo naman naman sir". Okay na sana ang sagot ng babae kaso may dinagdag pa itong, "baka kinuha na ng ibang customer." Hindi pa nga ako nakapag-explain at nakapagsabi tungkol sa problema ko. At isa pa, hindi niya pa ngang natingnan kung nandon ba ang payong kong hinahanap sa lagayan ng mga mga naiwang gamit. "Kaya nga nagtatanong ako kung tinatago niyo ba ang mga naiwang gamit kasi naiwan ko yong payong ko at baka sakaling andyan lang.", dagdag ko pa sa tindera. Ganon pa rin ang sagot ng tindera na baka kinuha na raw ng ibang customer na may pagka-taray. Hind na lang ako umimik kasi baka makakaabala pa ako sa mga pumilipila ngunit hindi naman ganon kadami ang mga customer sa oras na iyon.

Hindi naman siguro ganon sana ang treatment ng tindera sa customer (sa akin). Sa tingin ko lang, baka nakita niya akong mukhang mumurahin-gusgusin dahil sa ayos ko kung kaya hindi niya na ako inaasikaso ng mabuti. Ang puntos ko don ay hindi makuha ko ang payong (mumurahin o mamahalin man) kundi ang kanyang pag-asikaso sa customer. Hindi niya pa nga naitanong sa iba niyang mga kasamahan o tiningnan man lang ang mga lagayan ng mga naiwang gamit. O sabihin niyang sandali lang muna sir kasi may mga customer pang pumipila. Hindi pa nga ako umalis agad-agad kasi baka pagkatapos ng ibang mga customer, malalapitan niya ako at tanungin ulit sa problema ko. Ngunit dinadaan-daanan niya lang ako at tini-tingnan.

Sana maiintindihan niyo rin ang panig ko. Gusto ko lang maipaalam sa babaeng yon kung paano maging magaling sa customer hindi lang sa panananlita kundi rin sa gawa.


Salamat po.

Facebook: http://www.facebook.com/profile.php?id=721684556&ref=profile
Multiply: http://dadicyfotos.multiply.com

Hulat/Huwat


Limang minuto bago kumapit ang alas otso;
Naka-akyat na ako sa terminal ng tren sa Quirino.
Dal'wang estasyon lang naman ang layo;
Ngunit balisa pa rin baka ako'y mahuhuli.

Eksaktong ikawalo na ng umaga;
Nang huminto ang tren sa terminal ng UN.
Sa kanang bahagi ng babaan ang tinahak
At tanaw ang McDong sa tapat nito.

8:30AM na buhat ng umorder ng kesong pandesal;
Ngunit di pa rin dumating ang inaasahan.
Paano nga namang magkakilala
Kung sa unang pagkakataon lamang magkikita!

Nakakatawa na nakakainis!
Ang sarap ng pakiramdam na makakapagbawas.
Ngunit 'di pwedeng mawala sa kinauupuan;
Baka hinihintay tuluyan nang malisan.