Friday, June 4, 2010

Tikman Mo Ang Aking "Chicken Spica"

Isa ako sa mga taong mahilig magluto at mahilig mag-imbento ng kung anu-anong putahing ulam. Bata pa lang ako, marunong na akong magluto ng walang nagtuturo sa akin. Siguro nasa puso ko na rin ang kahiligan sa pagluluto. Wala akong alam lutuin kundi yong mga putahing walang mga pangalan. Iyon ay ang mga putahing nagagawa ko lang gamit ang kunting kaalaman sa pagluluto katulad ng pag-gisa, pag-prito, pag-paksiw, pag-adobo, at iba pang simpleng lutong bahay. Nakasanayan kong lutuin ay ang mga simpleng luto na nakukuha lang ang mga sangkap sa ating munting hardin na kadalasang nasa bakuran lang natin. Ito yong mga gulay na kang-kong, ampalaya, pechay, okra, alugbati, at iba-iba pang maaaring maitanim sa ating mga bakuran.

Ito ang una kong pagkakataong magsulat ng isang recipe at gusto kong ibahagi sa inyo ang imbento kong putahi na tinatawag kong "Chicken Spica". Ang putahing ito ay hango sa mga ibat-ibang estilo ng pagluto ng maanghang na manok or Spicy Chicken. Mga Indian ang kadalasang mahilig magluto ng patuhing ito. Dahil sa mahirap maghanap ng mga pangunahing sangkap, gumawa ako ng sarili kong estilo na pinoy na pinoy. Ito ang "Chicken Spica" with kang-kong. Hindi spicy chicken ang ibig sabihin nito kundi hango lang ito sa codename ng paborito kong smartphone na Samsung Spica (Samsung I5700). Katunog niya lang ng spicy ang spica kaya ipinangalan ko lang dito. Sa kabuuan, walang kaugnayan ang kanyang pangalan sa kanyang estilo ng putahi.

Kasama ng mga larawan at proseso sa baba ang aking putahi. Pagpasensayahan niyo na kung hindi masyadong detalyado ang aking pagkasulat ng proseso. Sana magustuhan niyo.

---

Chicken Spica with Kang-kong
(by Cyrus G. Gabilla)

Mga Pangunahing Sangkap
- 1/2 Kilo Manok (hiwain ng pa-kwadrado)
- 5 Malaking Sili (hiwain ng pa-haba)
- 1 Sibuyas (hiwain ng pa-haba)
- 1 Buong Bawang
- 1/2 Mantika
- Soy sauce
- Oyster sauce
- Kalamansi
- Black Pepper
- Isang Itlog
- Kang-kong
- Asin
- Ginisa Mix
- Corn Starch

Proseso
1. Una, halu-haluin ang manok kasama ang itlog, soy sauce, kalamansi, black pepper, corn starch, at ginisa mix sa isang lagayan.
2. Iprito ang manok at itabi sa isang lagayan.
3. Igisa sa kawali ang bawang, sibuyas at malaking sili.
4. Ilagay ang pritong manok at lagyan ng kalahating tasang tubig.
5. Budburan ng ginisa mix at oyster sauce at hayaang kumulo ito.
6. Ilagay ang kang-kong at hintayin maluto.
7. Ihain ang putahi sa hapag-kainan na may pinigang kalamansi.

Mga Larawan

a) Mga panguhing sangkap
















































b) Minarinade na manok
















c.) Pritong manok
















d.) Ginisang bawang, sili at sibuyas

















e.) Ginisang may manok, oyster sauce, ginisa mix at tubig














f.) May dinagdagan ng kang-kong














g.) Ang maanghang na Chicken Spica