Saturday, May 1, 2010

Reklamo sa 7-eleven

Dear 7-eleven,

Madalas po akong pumupunta ng 7 eleven lalo na sa gabi.
Noong Huwebes lang, April 29, 2010, mga bandang alas 7:30 ng gabi bumili ako sa nasabing store ng pineapple juice, Php 22.00, voted for G1bo na dala-dala ko ang payong kasi umuulan. Iniwan ko ang payong sa basket-tray kasi basa ito.

Umupo muna ako at nagpapahinga habang iniinom ko ang juice. Agad-agad na rin ako umalis pagkalipas ng ilang mga minuto. Sa kasamaang palad, naiwan ko ang payong na di ko napansin kasi tumahan na ang ulan.

Pagdating ng bahay, doon ko na lang naaalala ngunit hindi na ako nakabalik dahil biglang lumakas ang ulan at saka medyo malayo-layo pa ang lalakarin ko.

Pagkalipas ng dalawang araw, nagkataon akong bumili ulit ng pineapple juice. Si "Melai" ang naka-assign na kahira/tindera. Pasimple kong tinanong ang babae kasi nga nahihiya ako at may mga customer pang nakapila kung tinatago ba nila ang mga naiiwang mga gamit (o payong). Sabi naman ng tindera, "Oo naman naman sir". Okay na sana ang sagot ng babae kaso may dinagdag pa itong, "baka kinuha na ng ibang customer." Hindi pa nga ako nakapag-explain at nakapagsabi tungkol sa problema ko. At isa pa, hindi niya pa ngang natingnan kung nandon ba ang payong kong hinahanap sa lagayan ng mga mga naiwang gamit. "Kaya nga nagtatanong ako kung tinatago niyo ba ang mga naiwang gamit kasi naiwan ko yong payong ko at baka sakaling andyan lang.", dagdag ko pa sa tindera. Ganon pa rin ang sagot ng tindera na baka kinuha na raw ng ibang customer na may pagka-taray. Hind na lang ako umimik kasi baka makakaabala pa ako sa mga pumilipila ngunit hindi naman ganon kadami ang mga customer sa oras na iyon.

Hindi naman siguro ganon sana ang treatment ng tindera sa customer (sa akin). Sa tingin ko lang, baka nakita niya akong mukhang mumurahin-gusgusin dahil sa ayos ko kung kaya hindi niya na ako inaasikaso ng mabuti. Ang puntos ko don ay hindi makuha ko ang payong (mumurahin o mamahalin man) kundi ang kanyang pag-asikaso sa customer. Hindi niya pa nga naitanong sa iba niyang mga kasamahan o tiningnan man lang ang mga lagayan ng mga naiwang gamit. O sabihin niyang sandali lang muna sir kasi may mga customer pang pumipila. Hindi pa nga ako umalis agad-agad kasi baka pagkatapos ng ibang mga customer, malalapitan niya ako at tanungin ulit sa problema ko. Ngunit dinadaan-daanan niya lang ako at tini-tingnan.

Sana maiintindihan niyo rin ang panig ko. Gusto ko lang maipaalam sa babaeng yon kung paano maging magaling sa customer hindi lang sa panananlita kundi rin sa gawa.


Salamat po.

Facebook: http://www.facebook.com/profile.php?id=721684556&ref=profile
Multiply: http://dadicyfotos.multiply.com

Hulat/Huwat


Limang minuto bago kumapit ang alas otso;
Naka-akyat na ako sa terminal ng tren sa Quirino.
Dal'wang estasyon lang naman ang layo;
Ngunit balisa pa rin baka ako'y mahuhuli.

Eksaktong ikawalo na ng umaga;
Nang huminto ang tren sa terminal ng UN.
Sa kanang bahagi ng babaan ang tinahak
At tanaw ang McDong sa tapat nito.

8:30AM na buhat ng umorder ng kesong pandesal;
Ngunit di pa rin dumating ang inaasahan.
Paano nga namang magkakilala
Kung sa unang pagkakataon lamang magkikita!

Nakakatawa na nakakainis!
Ang sarap ng pakiramdam na makakapagbawas.
Ngunit 'di pwedeng mawala sa kinauupuan;
Baka hinihintay tuluyan nang malisan.